Popular Posts

Advertisement

Tuesday, February 26, 2013

Filipino Folk Song: Tagalog Balitaw - Salakot

"Salakot" is originally a Visayan (Ilonggo) folk song or Balitaw which is adapted into Tagalog. 
 Tagalog version is written by Levi Celerio
 Interpreted by Pilita Corrales
Music arranged by D'Amarillo.
Audio from a vinyl phonograph LP album ("Salakot, Pilita Corrales", TSP 5073, Vicor Music Corporation, Quiapo, Manila, 1973)

Salakot
Filipino Folk Song
Lyrics
Ang balat mo'y huwag ibilad kung mainit
Kailangan mo'y salakot na pambukid
Kung masungit ang panahon parang payong din 'yan
Maiilagan mo ang ulan at araw.

Ang balat mo'y huwag ibilad kung mainit
Kailangan mo'y salakot na pambukid
Kung masungit ang panahon parang payong din 'yan
Maiilagan mo ang ulan at araw.

Koro:
Huwag mo nang paiitimin ang balat na talusaling
Pag-ingatan ang alindog ang ganda'y sadyang kay rupok
Kung kulimlim ang panahon salakot ay dalhin
At iya'y pananda sa init man at hangin.

Ulitin ang Koro
 Watch this Video with Lyrics
Video from Philclassic

Filipino Kundiman Art Song: HIMUTOK (1928) - Video and Lyrics

HIMUTOK
Kundiman Art Song
Musika ni Nicanor Abelardo (1928)
Interpreted by Prof. Juan Silos Jr (1958)

Lyrics

Dibdib ko'y tumanggap ng matinding sakit
Sanhi sa pagsinta't wagas na pag-ibig.
Dibdib ko'y lunod na sa dagsa ng hapis
Saan kukuha pa ng pagtitis?

Gayong iyong alam na wala ng lunas
Sa hirap kong ito kundi ang iyong habag.
Ano't natutuwang iyo pang mamalas
Mga mapapait na luhang nanatak?

O irog ko't aking mutya
Nasaan ang iyong awa?
'Di na makaya pang bathin
Ang dulot mong hilahil
Bigyan mo ng pag-asa
Pusong sumisinta.

HIMUTOK
Kundiman Art Song
 Video with Lyrics

Video from Philclassic

Filipino Kundiman: Sulyap Video and Lyrics (1949)

Sulyap is a kundiman song interpreted by Isagani Hizon, "Sulyap" is a composition of J. Balita with lyrics written by Levi Celerio.
 SULYAP
Musika ni J. Balita
Letra ni Levi Celerio
Lyrics 
Ang sulyap ng iyong mata ay pag-asa
Ang mga titig mo'y aliw sa pag-sinta

Kung ako ay may hapis at nangangamba
lunas ang iyong mga tingin sa tuwi-tuwina

Ang mga sulyap moy tanglaw ng buhay ko
Alam ko na nagmamahal ang puso mo.

'Di mo dapat sabihin pa na iniibig mo ako
Sapat ng katunayan ang mga sulyap mo.


Filipino Kundiman: Sulyap Video
Video from Philclassic